PLEASE PROMOTE THIS LINK . . . MABUHAY MHSIANS!! PLEASE PROMOTE THIS LINK . . . MABUHAY MHSIANS!! PLEASE CONTRIBUTE ARTICLES AND SEND TO royal_database@yahoo.com
Showing posts with label Ramil Perea. Show all posts
Showing posts with label Ramil Perea. Show all posts

Tuesday, May 13, 2008

Funny Is It Not?

It’s funny how simple it is for people to trash God and then wonder why the world is in the condition it is today.

Funny how we believe what the newspapers say but question what the Bible says.

Funny how everyone wants to go to heaven provided that they do not have to BELIEVE, THINK, SAY or DO anything the Bible says.

Funny how someone can say “I BELIEVED IN GOD” but still follow Satan who by the way also believes in God.

Funny how you can share and accept comments on thousand funny jokes but when you start receiving messages and sharing regarding the Lord, you immediately think that you’re belief is being disrespected.

Funny how the lewd, crude, vulgar and obscene pass freely thru the cyberspace but the public discussion about Jesus is left in the empty space.

Funny how can I be more worried about what other people think of me than what God thinks of me.

Funny, isn’t it?

Wednesday, April 16, 2008

The Easiest Way To A Man's Heart Is Through His Stomach

The easiest way to a lady's heart is through her stomach? Kadalasan sa babae lang angkop ang kasabihang ito. Pero ito rin ang naging stlye ko para makuha ang matamis na "oo" ng misis ko.
Bata pa ako mahilig na rin akong magluto, kung anong meron na makikita...shoot. Dahil with minimal ingredients at low cost budget , kung anong tira-tira na rekado, dadaanin ko na lang sa imahinasyon at eksperimento.

Siyempre sa tv, sa magazine lalo na ngayon sa internet nadaragdagan din ang mga kaalaman ko sa cooking . Pero ..totoo cooking is also an art, Marami dyan magaling din magluto pero yung bang .....kung papaano mo rerepasuhin .......doon medyo nagkakaiba ang mga nagluluto.
AKO MATIPID..MASARAP..NO RULES MAGLUTO!






Tuesday, March 18, 2008

THE LENT


Lent has traditionally been marked by penitential prayer, fasting, and almsgiving. Tayong mga pinoy isa sa mga nagdiriwang ng Semana Santa.
Saan na nga ba tayo kung ang pag-uusapan ay ang kung papaano natin ipinagdiriwang ang Mahal na Araw?

May mga nagsasabi na halos iba na raw ang pananaw natin sa pag oobserba ng araw na ito. Kadalasan ginagawa na itong araw ng pagbabaksayon, outing ng mga barkada, pamilya mga ka-opisina., ika nga Kristiyanong Bakasyonista.Wala na raw ang tunay na diwa at kabanalan, ang pag-papakasakit at pagninilay-nilay ay iilan na lamang ang gumagawa.

Para sa akin ang araw na ito ay para din pasko,Ating muni-munin ang may kaugnayan sa ating panginoon.. Ang kaniyang paghihirap, ang pagpapapako sa krus upang tubusin ang ating mga kasalanan.
Hindin natin kailangan gayahin ang kaniyang mga dinaaanang pasakit o isadula at magpapako din sa krus for the sake para lang sabihing banal o relihiyoso tayo
Ito ay araw para sa akin, sa ating pamilya at sa ating lahat. Kaya okey lang kung medyo lihis na sa tradisyonal na pagdiriwang ang kadalasn na ginagawa nating ngayon.. Ang mahalaga ay ang pang-araw-araw na pag-uugali natin. Live with reverence.

Monday, January 28, 2008

SO MUCH OF AMERICAN DREAMS

I was about to hit the sack para maaaga ako makatulog ng nakarinig ako ng ingay sa labas. Isa mga kumpare ko lasing at nagwawala. Medyo nakinig naman sa akin at naawat ko naman.

The reason ng pagwawala niya ay DENIED na naman ang visa application sa U.S Embassy.
My kumpare is very stable considering ng katayuan sa buhay, maganda ang bahay, may dalawang kotse, dating Officer ng Magnolia at manager din ang misis sa isang factory sa Laguna Techno Park. Pero talagang gusto niya ang makapunta sa Amerika.
Isa ako sa mga 99.5 percent na pinoy na gusto makapagtrabaho sa U.S, Canada, New Zealand o Australia. All my life yan ang pangarap ko mag-settle down sa isa sa mga bansa na yan....hanggang ngayon.

Noong bata ako pinangakuan ako na magiging nanny ng anak ng step-sister ko.....me asawa na yung aalagaan ko , ni maging amuyong hindi ako natuloy. Nakatanggap din ako ng inbitasyon mula sa U.S. Navy, bumayahe ako noon sa Subic, I took the exam..ok...sa interview..dalawa lang tanong sa akin ng Kano..what is the color of rainbow at night at how much money is in my pocket, wala..baksak din ako. Sa tingin ko ..WHAT KIND OF QUESTION IS THAT na itatanong sa yo di ba?
Pero ako, nangangarap lang ako ng BIG APPLE dahil sa kikitain financially pero PAG-AYAW NILA AKONG TANGAPIN ...OK LANG...WHO CARES
I WOULD RATHER STAY SA BIG CAMOTE THAN PUSH MY LUCK SA BIG APPLE NA DADAAN KA SA BUTAS NG KARAYOM. KINEKENKOY TAYO.
SO MUCH OF AMERICAN DREAMS PARA SAKIN MUNA NGAYON...IF I CANNOT MAKE IT....MARAHIL BAKA MATUPAD DIN NG DAUGHTER KO ANG MGA PANGARAP KO PAGLAKI NIYA.
HINDI AKO MAGWAWALA ..PARA YUN LANG

Wednesday, January 16, 2008

USAP MUNA

Alam mo Pare "Madalas hindi binabalik ang takip at agwasan pa minsan kapag gumamit ng tootpste at shampoo. Yung ginamit na sachet iiwanan na lang, yung undies niya nakabalunbun sa may habonera na puno pa ng bula kapag susunod akong maligo sa kaniya. Pati kape, asukal lahat basta me takip hindi binabalik.

Naku Mare, kapag uminom ng tea iiwanan na lang kung saan yung teabag, eh narra pa man din yung mesa. Parang pugon ang usok pag nag-yosi. Napakalakas maghilik, lahat ng gamit nakakalat kaya laging hinahahanap.

Ito ang lihim na dahilan ng paghihiwalay o hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa. Oo, sa mga kaso ng paghihwalay kadalasang pangkabuuan na ang nagiging dahilan- Unreconcilable differences, mental incapacity , battered o kaya verbal at physical abuse ang bawat isa o mga terminong malalim ang pananalita upang magandang balitaktakan ng legal terms sa harap ng korte.

Pero noong umpisa halos hindi sila kayang paghiwalayin sa bawat oras.. Magkahawak ang bawat kamay sa harap ng madlang tao. Mga maiinit na pagmamahalan na bawat sandali ay ligaya ang dulot sa isat –isa.

Pare, ilan taon na ba kayong kasal? Walo na…..ata…..oo walo nga. Tsk tsk syang naman Mare, lima na pala ang anak ninyo, kawawa naman ang mga bata.

Mag-usap kaya kayong dalawa, Nakukuha naman sa pag-uusap ang lahat.






Tuesday, January 15, 2008

SAKAY NA ! ! !

I owe I owe, So off to work I go. Halos siguro lahat ng pampublikong behikulo ay nasakyan ko na. Bawat isa nito may ibat ibang kwento sa bawat araw-araw. Ika nga pang teleserye ito ng buhay kapamilya man o kapuso ka. Lahat magdadaan dito.

Tulad noong bagong sakay pa lamang ako sa LRT, token pa ang gamit noon. Kapag medyo rush hour na at napupuno ng mga commuters ang LRT. Ang gagawin ng mga guard haharangan muna nila lubid ang pasukan upang i-organize ang bilang ng tao doon mismo sa loob ng antayan ng LRT.

Kapag ibinaba na ang lubid animo ay mga kabayo kami sa Sta Ana at San Lazaro na " THERE THEY GO" unahan sa paghulog ng token. Dahil bago nga ako isinusuksuk ko doon sa butas ay ang baryang limang piso. SUS!! BOBO !! INGNORANTE !!TANGA !! ang maririnig mo sa likuran ko. (Automatic yan parang recorded na)

Hindi pa natatapos ang asksyon sa LRT, dahil nga sa siksikan kapag bumaba ka gusot –gusot na damit mo pati mukha mo magugusot na rin, at kung mamalasin pa, yung kaharap mo na mayroong toothpick sa loob ng LRT, pag baba mo malilipat sa bibig mo yung toothpick niya. HEHHEHEHEHE EWE YUCKKY ! ! !.

Sa jeep at bus, ganoon din ang kwento. Masaya, nagmamdali, may malmig at mainit. Minsan grabe ang siksisikan minsan naman pwede kang mahiga sa sobrang luwag. Mayron pang bonus minsan na holdap, snatching, at pandurukot.
Tricycle, pedicab, padyak at trolley ng tren. Nasakyan ko na yan, yun din at iyon pa. Target ko ngayon sakyan SPACE SHUTTLE COLUMBIA para maiba naman.

Thursday, January 10, 2008

KABAYANIHAN

Kabayanihan ba magbigay ng dugo sa nangangailangan? Hindi ko pa nararansan na mag-donate ng dugo. I was about to.. noong operasyon ng hipag ko pero hindi natuloy sapagkat di na kinailangan pa. Noong manganak ang misis ko akala ko kakailnganin nya ang Blood Transfusion pero naging sapat na rin iyon.

Mayroon kaming kalugar na na dengue at nasa stage 4 na. She was admitted sa Asian Hospital. Marami sa mga kapitbahay ang nag-donate ng dugo so I decided saka na lang ako. I will make myself available pag talagang kinalangan pa.

I have one neighbor, si JONGJONG mga early twenties pa lang consistent ito. Lagi itong nagdo-donate ng dugo sa mga kakilala. Pero mas humanga ako sa kaniya ng nabalitaan ko na nag-donate din pala siya sa isang hindi niya kakilala noong naroon sila sa Asian Hospital upang tumulong sa kabitbahay naming na dengue.

While he was waiting daw sa labas ng ICU, another victim of dengue ay nagangailangang din ng donor ng dugo. This JONGJONG na kapit-bahay namin walang abog abog na nagdonate din ng dugo sa totally stranger individual.

Simple lang ang pagkakilala ko kay JONGJONG, pangkaraniwang kabataan. Hindi magulo hindi naman tahimik. Siya yaong tipong hindi mo makikilala ang personalidad sa madalian..kailangan rurukin mo ang kaniyang pagkatao. Me dugo pala ni DAGOHOY ITO ! ! ! BAYANI. MABUHAY KA JONGJONG.

By: Ramil Perea ( Batch '83)

Wednesday, December 26, 2007

SUKATAN NG KASIYAHAN

Ano nga ba ang sukatan ng kasiyahan? Iisa lamng ang maaring pangkalahatang sagot sa tanong na iyan.

Hindi ko na marahil kakailanganin pa mag-aral ng anumang pag-aaral na ukol sa pag-uugali ng bawat indibidual. Mula't sapul napakarami ko nang nakasalamuha na ibat-ibang tao. Mula sa aming tahanan, pito na kaming magkakapatid, ang aking ama at kinalakihang ina-inahan. Ang aking ina, mga kapitbahay namin. Mga kamag-anak at iba pa.

Hanggang sa pag-aaral ko mula elemntarya ibat-ibang ugali mula sa mga guro hanggang sa aking mga ka-eskwela . Idagdag pa mula ng ako ay maghanapbuhay sa napakarami ko ng napasukan ibat-ibang kumpanya. Mga top brass, pulitiko mayaman, mahirap, Muslim, Kristyano, foreigner at iba pa.

Naging pamilyar ako sa mga kilos at gawi nila. May mga kilos ang bago mong kakilala na maihahantulad mo sa mga dati mong nakasalamuha.

Ano nga ba ang puntos ko sa tanong na SUKATAN NG KASIYAHAN. Ang sagot ko WALA. Walang sukatan ang kasiyahan ng isang tao. Maari ang tao ay mayaman pero hindi kailan man na iyon na ang kaniyang kasiyahan.Ang dunong, katanyagan at ganoon din ang relihiyon, hindi rin sapat na maging sukatan kung ikaw ay madasalin o anu pa mang may kaugnayan sa pananalig.

Pero kahit wala kang kasiyahan basta mayroon kang kasapatan sa buhay iyon ang tama. Ang sukatan ng kasiyahan ang nagiging sanhi na ang tao ay hindi makuntento sa buhay. Ikunukumpara niya ang kaniyang buhay sa iba.

Ang lagi mong isasa-isip ang buhay mo ngayon ay higit na masaya kaysa sa dati.

By: Ramil Perea (Batch '83)

Wednesday, December 19, 2007

TAIMTIM NA DASAL

Mag-one year na anak ko sa January, parang kailan lang nagbuntis ang misis ko through-out her pregnancy bed rest siya. Three times of insulin and 2 times for blood clogging injections shots a day binibigay namin sa kaniya at kasama pa ang di mabilang na mga gamot (Nakakaawa nga siya halos mangitim ang braso nya at ang tummy nya sa kaka-injection).

Almost 8 years bago kami nagka-anak, Naalala ko nga nung early 4 years after na makasal kami, aligaga kami kapag me simtomas na siya ay buntis, yung nagsusuka, mabilis ang pintig ng lalamunan mga ganun bagay ika nga. Napakarami naming naubos na pregnancy test but they all turned negative. Mga di mabilang na test na ginawa sa misis ko at sa akin at lahat naman ng test proves na pwede talaga, “TIMING LANG ANG KAILANGAN”

From 4 years and maraming taon pa wala pa rin, Ako sa sarili ko-sinabi ko- pag di ako nagka-anak, okey lang , “SO BE IT”, tanggap ko na yan ang kapalaran namin mag-asawa.Marami nga nagsasabi mag-ampon kami, mag-sayaw sa Obando, Bulacan at mga sari-saring suggestion related sa pagkakaroon ng anak.

My wife is Marian Devotee, minsan nag-simba kami and she told me to be the one to offer the flower to Mama Mary. Sabi niya sa akin bulungan mo ng gusto mong hiling si Mama Mary. So pumila ako at nag-alay ng bulaklak sa kaniya. Ilang months lang nabuntis misis ko.

By: Ramil Perea ( Batch '83)

Monday, December 17, 2007

WE ARE NOT GETTING OLDER ..WE ARE JUST FADING AWAY. . . BWAHAHHAHA!!!

Sayang hindi na ako nakabalik nuong gabi ng reunion last December 14, para makasama ng matagal ang mga ka batch ko dati. Sinundo ko kasi si kumander nuon at ang grabeeeeee ang daming hindi makasakay sa Makati, sabay sabay kasi mga parties nuon eh.
Pero, makita ko mga ka grupo ko dati, kaklase , ka-elective sa journalism, mga crushes, nakakatuwa talaga.

Most of the ladies, ganun pa rin a liite bit changes pero SUSMARYUSEP !!!! Ang sesexy pa rin, I have not seen any na bigger. Si ALONA mala Angel Aquino ang beauty, si ELLEN FERNANDEZ (kaklase ko ito mula nung elementary sa Highway Hills at ka batch nuong high school) ganun pa rin maganda pa rin. Pero yung iba, I only recall sa looks pero I cannot remember their names buti me name tags para kunwari kilala ko pa hehehehehe. All the rest ng batch ladies..ANO BA ANG MASASABI KO..WOWOWOWIE.(DI KAYA MGA BIKTIMA SILA NINA BELLO AT CALAYAN?)

Si BLESSIE ang una kong nakita, si MS. DALIN OJALES naalala ko sya yung isa sa mga cute, kaya pala, hawig nya si ANNE CURTIS pamangkin nya pala , si Elenita Lantin sexy pa rin . Iba talaga nung dumating si LORNA T....DONATO, akala ko guest na artista ....sus ay ALA EH !!KA SEXY RIN..WALANG BAWAS ANG KASEKSIHAN mula noon pa. (tsk tsk tsk hay sayang!)

TAPOS...ang mga barako, si EDORFEMANA Founder Ka ORLY, he gained weight pero bagay mala Dan Fernadez ang dating. Well the ice breaker of all times si LITO LUMABAS parang si Johhny Delgado, Si FERDIE tisoy pa rin, Si CRISPIN narun pa rin yung pamatay nyang dimple hehehehe.Si ED DELA CRUZ medyo tumaba din.(T.Y. nga pla Ed)

Sino ba ang di makakaalala kay NELSON, wow bigtime na pala to its......Si EDDIE pala seaman heheheh seamanloloko (joke lang pre), si gay FELIX, si bad Boy COLOMA pumuti ata, (mga bata to ni Mr. Albea at ni Mr. Bacani)

Salamat pala kay "JL" John Lennon (JESSIE LANDINGIN) sa CD's na bigay (basta nariyan si Lito hanapin mo nariyan din si Jessie /Dolphy & Panchito to dati eh). Sayang wala si DILAG at si utol ko Pastor JEFFREY buo na sana BELTLESS AT SI ELVIS. Ang artist na si PHOL ENRIQUEZ sayang di kami nagkainuman nito nung araw na yun. (si CARLO CORPUZ keep on calling sa cell me pinahahanap na person hayaan mo bro ipapa SUBPOENA ko yung hinahanap mo hehehheheh)

Ang mga G.R.O..este mga guro pala natin na walang kupas, nasa likod lang akoat baka mabato pa ako ng eraser uli e!

Salamat sa inyong lahat..kaya dapat kapag may na meet tayong ka-batch natin , huwag na nating tantanan , isama natin sa susunod na kita-kits natin..ay oo nga pala si CECILLE CAPILI-CARANDANG di kami nagkita....lagi niya akong iniinvite kung may gathering ang batch.

ITO BA YUNG KANTA NATIN?
"We welcome you on this day with soundso merrily for this is graduation day and happy pappy ice candy. . ito ba o mixed up lang ako? ..baka elementary graduation natin ito hindi high school?"

SALAMAT SA LAHAT !!!!! SA INYONG UNAWA HAYAAN NYO IINUMIN KO NA GAMOT KO HEHEHHE SINO BA ME SCREW DRIVER DYAN HIHIGPITAN KO LANG TONG BRAIN KO BWAHAHHAHAHA!!!!

By: Ramil Perea (Batch '83)