PLEASE PROMOTE THIS LINK . . . MABUHAY MHSIANS!! PLEASE PROMOTE THIS LINK . . . MABUHAY MHSIANS!! PLEASE CONTRIBUTE ARTICLES AND SEND TO royal_database@yahoo.com
Showing posts with label Primo Jandayan. Show all posts
Showing posts with label Primo Jandayan. Show all posts

Wednesday, June 25, 2008

MAHIRAP BA ANG BUHAY NOON O NGAYON?

Tandang tanda ko pa ang buhay noon. . .
Sabi ni nanay mahirap daw ang buhay noon! Kasi ang bigas noon hinahaluan ng mais. Nuong panahon noon ang tao ay nahahati sa maraming klase, ubod ng yaman, mayaman, mahirap at ubod ng hirap. Kami napabilang sa mahirap. Mahirap kasi, kahit ang bigas namin may halong mais kahit papaano nakakabili at nakakain ng tatlong beses sa isang araw. Dahil mahirap kami salawa sa kapatid ko ang namatay sa sakit doon sa probinsya namin sa Bohol. Ang tatay ko anak siya ng American veteran. Dahil sa pag ibig, minabuti ng lolo ko na manirahan sa Bohol. Wala kaming nakuhang benepisyo sa kadahilanang nag awol ang lolo. Sa madaling salita, namuhay sila sa Bohol bilang magsasaka. Oo, malaki ang lupa namin doon pero mahirap pa rin kami. Lumuwas ang nanay ko dito sa Manila sa kadahilanang baka maubos kami sa sakit. Malayo ang hospital at ang way of transpo noon ay balsa (hinihila ng kalabaw). Noon sobra sa tatlong araw bago ka makapunta sa bayan pero ngayon 3tatlong oras na lang!(yan ang technology ngayon). Namasukan ang tatay bilang family driver ang nanay katulong dito sa Manila. Ipinagmamalaki kong pinag-aral kami sa sikap at tiyaga. hindi man ako nag-college dahil sa hirap ng buhay pero masaya ako at taas noo kahit kanino na ang pinakakain sa amin ay galing sa pawis ni ama. Kaya kahit sa iskwater kami pinalaki, may dignidad kaming magkakapatid. Sa ngayon mahirap pa rin ang buhay mahal ang bigas almost P70 pesos na ang first class. At ang pinakamababa NFA. Noon my kakilala ako nakikipila sa tindahan ng NFA bumibili sya ng bigas para daw sa aso. Pero ngayon aso pa rin kaya ang kakain? Gusto niya ngang bilhin yung sa NFA namin pero sabi ko sayang hahaluan ko na lang ng first class para mawala ang amoy. Sa pananaw ko ang hirap ng buhay noon parehas ngayon. Ang bigas noon per salop ang bilihan ngayon kinikilo na. Parehas din parehong tinitimbang. Ang dolyar noon piso katumbas ng dolar, ngayon P45 na yata.
Kaibigan ang iyong kapalaran nakasalalay sa iyo at kay GOD. Fifty- fifty yan kapatid. Subukan mong huwag ka magtrabaho, araw gabi puro dasal ang gawin mo.Mamamatay ka ng dilat. Baka magalit pa ang Diyos sa iyo. Malamang sasabihin Niya na:" Tao ka ng aking likhain hindi ka hayop para hindi magisip". Totoo ang sabi ni Rizal na : "NASA DIOS ANG AWA, NASA TAO ANG GAWA" kung gusto mong guminhawa magtrabaho ka kapatid, kung kulang , mag-sideline ka. Huwag kang maiingit sa kapitbahay mona may stereo, flat colored TV, computer na may internet pa. Kaya nga ako ngayon lima ang boss ko. Hindi ako tali sa kanila pero lahat sila masaya sa performance ko. Kaya sa buhay ko ngayon masaya ako kahit mahirap pa rin. Lalaki ang mga anak ko na pinagmamalaki kami. Kasi hindi galing sa nakaw ang kinakain nila.
Kaibigan ang buhay maikli dapat nag- eenjoy ka. Ang pagtitipid nasa lugar. Dapat habang nabubuhay ka, nagsasaya ka. Kung mangungutang ka sana hindi mas malaki sa kinikita mo. Lahat ng tao sa mundo may utang, si Lucio Tan may utang din yan. Si Henry Sy ganun din. Pero hindi kasing laki ng yaman nila ang utang nila. Simple kapatid. Pagmangungutang ka para pambili ng cellphone, TV, Computer na hindi mo naman kailangan, pag-isipan mo ng mabuti. Pero kung mangungutang ka para sa business at alam mong kikita ka mas maganda yan. alalahanin mong babayaran mo pa rin yan. Bukas hindi ka na mahirap kung tama ang desisyon mo.

Wednesday, June 18, 2008

BUHAY PINOY: NOON AT NGAYON

Musta mga friendster!
Naalala ko noon sa province namin sa parteng Bisaya, pag piyesta, eleksyon, reunion lahat gustong umuwi dahil yon ang tradisyon. Pero ngayon iba na. Kung hindi kaya saka na lang o ang priority namin ang family. Ang nakakatuwa sa lahat pag pista sa amin lahat naghahanda. Kahit ang pinaka payak na pamilya hindi puwedeng walang handa. Sa handaan hindi mawawala ang pansit. Sabi ni untie, pampahaba raw ng buhay. Yung mayayaman sa amin isang buong baboy at baka ang handa. Kasi ang bisita si Mayor, si Father at ang Hermana Mayor, yung nangangasiwa ng fiesta. Dahil sa handaan lahat masaya. Pag bisita ka para hindi nakakahiya dapat lahat dadaanan mo para kumain. Kaya ang nangyayari bundat at lasing na ang mga tao sa amin. Pero ang nakatuon sa akin ng pansin (bata pako noon), ang kapit bahay namin. Medyo mahirap lang sila, at ang kinabubuhay nila ang pangingisda. May pito silang anak at lahat mas bata sa akin. Dahil nga sa fiesta, naghanda sila inimbita nila ang Kapitan ng barangay. Siyempre mabait ang Kapitan namin doon. Kahit mahirap ka kailangang pupuntahan ka . So habang kumakain yung kapitan pinuri niya yung handa, sabi nya: "Wow ang laking isda at masarap!" Bago ang handaan blues, yung pitong bata masaya, kasi once a year lang sila nakakain ng masasarap na ulam. Sabi nuong isa: "Nay ang sarap nyan! kelan namin kakainin yang malaking isda?" Sabi ni nanay: " Eh anak pagkatapos kumain ni Kapitan saka tayo kakain ng mga handa natin". So ang mga bata naghintay. Doon sila nakapuwesto sa likod ng kurtina. Habang masaya si Kapitan at panay ang kuwento. Yung mga bata sa likod ng kurtina nagkukuwentuhan din at ang kanilang topic ay yaong malaking isda. Sabi nung panganay: " Akin ang ulo kasi masarap yun!". Sabi nung pangalawa: "Akin ang buntot kasi masarap yun!" Yung isa sa mga bata ay nagsabi namn ng: " Akin ang tiyan ang gusto ko yun, kasi walang tinik!"
Eto na ang thrill! Dahil sa nasarapan si Kapitan. Binaliktad na yung malaking isda. At sabing... ang galing mong magluto Mare at kakaiba siya at napakasarap. Pero ang lahat natigilan, dahil may sumigaw doon galing sa likod ng kurtina. At ang sabi: " Nay! gui bali nah!" (sa tagalog, inay! binaliktad na!) Nagtawanan ang lahat sa pakiramdam ng nanay napahiya sya, kaya sa pag alis ni Kapitan at mga bisita napalo ang mga bata. Noon medyo wala sa akin yun, dahil bata pa rin ako, pero ngayon sabi ko sa sarili ko hindi mangyayari ang ganuon sa buhay ng family ko. Kahit mahirap kami. Kung ano ang kakainin ng mga bisita ganun din sa mga anak ko. Saka malimit kami hindi naghahanda sa birthday ko, mga anak ko, at sa asawa ko. Bakit? mas gusto ko pa ang mag- malling kasama sila at doon kami kakain kasama . Pero pag may budyet at dapat maghanda saka lang kami naghahanda. Lately nga 40th birthday ng wife ko at naghanda kami sa hause, so ang lahat busy. Ang mga bisita nagdatingan na, so kainan dito kwentuhan doon. So ang siste, maraming bisita. Sa kasagsagan ng party. Yung lalaki ko nag request na kanila na lang yung cake, so hindi namin hinain sa hapag yung cake.(kasi paborito yon ng asawa ko at mga anak ko) para hindi maubos. Kasi exclusive yon para sa mga anak ko. Natutuwa nga ako sa pamangkin ko, kaya pala nagpapansin sya sa Mrs. ko dahil hindi pa sya nakakain ng cake. Eto pa ang sabi nya: "Opo nga, masarap ang handa nyo pero hindi pa ako nakakain ng cake!" Kasi nga kulang ang cake sa dami ng bisita kaya napagkaisahan namin na hindi na ihain. Kaya nuong natapos ang handaan habang kumakain kami ng cake, tawa kami ng tawa. Kinabukasan binigyan namin ng cake yung pamangkin ko kasi kapitbahay namin sila.
At alam ko hindi lang ako ang nagbago sa mga medyo mali noon. Marami tayo hindi ba?

Thursday, June 12, 2008

HUHULAAN KO KINABUKASAN MO

Gusto mo bang hulaan ko kinabukasan mo? Simple. Ang tanong sino ka ngayon after two years? Wag ka lang kunin ni Lord kapatid, presto 100 percent alam ko ang bukas mo. Tumingin ka sa katabi mo, wag kang mangarap yan ang buhay mo. Adik ang barkada mo? At sabi mo hindi ka gumagamit ngayon pero after 2 years adik kana rin kapag palagi mo siyang kasama. Masarap bang tumambay? Syempre naman, ang sarap ata malayo sa responsibilidad. Sige wag ka magbago, bukas makalawa lalayasan kana ng maganda mong asawa kasi batugan ka. Hindi ka babaero? Pero ang barkada mo puro babaero at binibida nya sa iyo ang lahat ng kalokohan nila sa babae. After 2 years babaero ka na rin. Kaibigan, ang pinaka masarap sa lahat ang mapalapit sa DIYOS. Life is too short to live! Magmadali ka sa pagha hanap sa Kanya. Sabi nga: "kumatok ka ng buong puso at ikaw ay pagbubuksan". Tingnan mo si Pareng Rudy Fernandez , at the age of 56 kinuha na siya ni LORD. Hindi natin alam kung saan siya pupunta after his death. Si GOD ang nakakaalam kung saan siya nararapat. Ayokong mag-juge baka mag kamali ako. Pero ikaw malapit ka rin ba kay GOD? kung oo ang sagot mo, ipag patuloy mo. Kung hindi , itext mo ako o i-send mo sa email ko na gusto mong mag-bible study. Pakakainin pa kita. Saan mo gusto ? Sa Jolibee ba?, Mcdo o Chowking?

Sunday, June 1, 2008

BAKIT MAHAL NA ANG BIGAS NI GLORIA?



Bakit nga ba nagmahal na ang bigas ni Gloria?
Ang dapat sisihin ang tao! Kasi ganito yun... tayong mga tao, mahilig sa lahat ng bagay maliban sa pagmamahal sa kapwa. halimbawa, mahilig tayo sa layaw ng katawan, tulad ng kung ano ang uso dapat meron tayo. Kung matino tayo, hindi naman kaya, bakit pipilitin? E di papasok ang ang pangsariling interest. Kung naka puwesto ka sa gobyerno at mananatili ka roon kahit hindi mo kaya ang pressure para sabihing magaling ka, lahat ng dikta sa iyo susundin mo pag dating sa money and power! Wag na tayong lumayo, pag kaibigan mo ang nagkamali, hindi ba ang bilis sabihing " hindi sya ang may kasalanan!" maka- Diyos yan, o tatahimik na lang tayo? Hindi man lang nating kausapin bilang kaibigan at sabihing: "friend, medyo mali naman yang ginawa mo at dapat tangapin mo kung ano ang parusa sa iyo." Madali nating kalimutan kung ano ang nagyari. Simple ayaw nating ma-involve sa problema. Pero hindi natin alam kasama tayo sa hirap na pwedeng mangyari. Naalala ko pa, estudyante tayo noon, araw ng exam hindi ako nakapagreview. Wala ring aral sa mga araw na nagdaan, syempre wala kang maisagot, Ano ang ginawa ko? Inilabas ko yung kodigo, pero ang malas nahuli ako. Ang bilis ng pangyayari, sinambunutan ako at binato sakin ang nilamukos na exam paper , at hinila ako palabas ng room. Hindi pa nagkasya si maam, huwag daw akong tularan! Ikaw yun batch, ano ang gagawin mo? Alam mo kung ano ang ginawa ko? nag-aral ako ng mabuti, pinasa ko lahat ng exam hanggang finals para mahabol ko yung bagsak ko sa prelim. Salamat kay God pumasa ako pero palakol. Ano ba ang puntos ko batch? Noong nakaraang election sabi nang naka upo, SORRY, SORRY, SORRY! Ibig sabihin my mali syang ginawa. Pero dapat my conscience! Katulad ng ginawa sakin, binagsak ako dahil sa mali kong ginawa. Balita ko teacher din sya. pero ano ang nangyari? Kinalimutan natin ang sins of origin! Kaya tayong mga pinoy walang pagkakaisa. Ikaw, bilang Pinoy, bilang tao saan tayo dapat lumagay? Ano ang dapat nating gawin para maituwid ang tama? Magrally ulit, pumatay para sabihing tama tayo at sila ang mali? Wala tayong dapat gawin kundi ilapit sila kay GOD para makontento tayo kung ano ang meron. Gumawa ng tama para maabot ang ambisyon. At higit sa lahat Kung may Dios tayo na nakatira sa puso natin alam natin ang tunay na pagmamahal. Magsilbi ka ng walang hinihintay na kapalit dahil ginagawa mo ito para sa Kanya. Pero kung para sa tao ang layon mong pagsisilbi hindi maiwasan ang utang loob. Yan ang pumapatay sa bawat Pilipinong gustong mabuhay ng legal. Bakit kamo, yung ibang kapitalista pikit matang sinuportahan ang mga malambot na politiko ng sa ganon kontrolado nila ang gobyerno. Dina-divert nila ang mga agricultural lands into subdivisions. Eto namang nakaupo dahil sa utang na loob ay pumapayag for a token of appreciation. Kaya wala ng palay na maani at bigas na maisaing para maihain sa hapagkainan ng mga Pinoy.... ang punto ko, hindi si Gloria ang mali, tayong mga tao.

Tuesday, May 27, 2008

MAY DIYOS BA?

Ang lahat ay nagsisimula sa tanong. Ikaw, naniniwala ka ba na may Diyos? Kung oo, sino ba Siya sa iyo? Siya ba ang may lalang sa iyo? Itanong kong muli, paano mo Siya makikilala? Siya ba iyong nagpakilalang Sugo habang ikaw ay bumibili ng suka sa tindahan? Aba! Mag-isip ka! Malay mo taga GMA lang iyan! O kaya sa TV na malimit mawika ng ganito: ",Magsisi kayo at tanggapin si Kristo at papasukin sa inyong mga puso at kayo ay maliligtas". Medyo konting tama, pero may kulang. Ilang porsiyento ba ang pagkakakilala mo kay Hesus? Ano ba Siya sa iyo? Baka naman Kristo sa sabungan ang sinsabi mo? Kaibigan , naniniwala ka ba sa bibliya? Ilang porsiyenro naman? Kung 100%, ano namn ang ginagawa mo ngayon? Kung makatao ka , aba'y OK yan! Pero kung makamundo, ano bang klase? Focus ka ba sa work mo? Gaano katagal? Ilang oras? Kung 12 hours a day at 4 hours sa computer, aba'y mag-isip ka! Why kamo? Hindi 100% yan, zero ang pagmamahal mo sa Kanya! Kung sasabihin mong tuwing Linggo naman ako nagsisimba e, Kaibigan, araw-araw kang biniyayaan ng Diyos dapat lang ibalik mo sa Kanya. Ang buhay ng tao ay parang kandila. Hindi mo alam kung kailan ka mamamatay . Kung totoo si Superman Ok lang! Lahat naman tayo duon papunta. Saan naman? Sa langit ba o sa impeyerno? Doon lahat pupunta pagkatapos mamatay. Mayaman ka ba ngayon? Congrats! Hindi mo madadala iyan! Si Mrs. o mga anak mo ang makikinabang niyan Nagpakahirap ka iba ang nakinabang?!!! Malas mo lang pag nag-asawa muli si Mrs., Kawawang anak walang natira, pero kung bibigyan mo ng time si God , lahat ng pinaghirapan mo ay mapupunta sa tamang kamay. Pagpapalain lahat ng kasambahay mo! At sasabihin ng Diyos sa iyo " WELCOME MY SON, YOU MADE IT"!

Thursday, May 22, 2008

HIRAP NG BUHAY SA PINAS

Mahirap ba ang buhay sa Pinas? O ikaw ang mahirap umintindi? Tanong mo kung bakit naman ako mahirap umintindi? Syempre, huwag ka umasa sa gobyerno! Di pa tayo isinisilang ganyan na sila ( sa batch ko lang) Nagpapatayan sila makaupo lang! Pag nakaupo na, mangungurakot na! Sa una gagamitin ang Diyos at sila raw ay maka-Diyos, pero sa kinalaunan sa udyok ng utang na loob pagbibigyan. Kapag nakahawak na ng pera, PRESTO! Instant negosyo! Walang lugi! Kailangang mabawi ang inilabas sa eleksiyon. Kawawang JUAN DELA CRUZ!!!! Dahil mababa ang sahod dito sa Pinas napipilitang mag-abroad, at sasabihin ng nakaupo: "Kayong mga OFW kayo ang mga bagong bayani ng henerasyon!". Ikaw bayani ka ba? Oo naman, bakit? Kasi buhay pa tayo at dapat na magtulungan. Sa papaanong paraan? Mag-abroad ka kapatid at maghanapbuhay ng di umaasa sa iba. Itaguyod mo ang iyong pamilya hindi ang KAPAMILYA o KAPUSO. Sino ba ang mga ito? Sila yung kapag mayroon ka KALABET-PENGE o yung kaibigan ka kapag mayroon ka lang. Kapag wala ka na , masama ka na. Ikaw kapamilya ka ba o kapuso? Kung isa ka dito magbago ka na! Buti pa ang GMA at ABS-CBN hindi naghihintay ng kapalit kapag tumulong sa mga mahihirap. Ikaw nakatulong ka na ba? Kung hindi pa, aba'y kumilos na! Sa papaanong paraan? Kahit wala kang datung makatutulong ka halimbawa, kung tsismosa ka , umiwas na at magbago. Kung magnanakaw ka naman. maging tapat at maghanapbuhay. At kung batugan ka , magbanat ng buto at itaguyod ang sarili at huwag umasa sa iba. Kapag nagawa at nasunod natin lahat ito, masasabi mo pa bang mahirap ang buhay sa Pinas?