Kabayanihan ba magbigay ng dugo sa nangangailangan? Hindi ko pa nararansan na mag-donate ng dugo. I was about to.. noong operasyon ng hipag ko pero hindi natuloy sapagkat di na kinailangan pa. Noong manganak ang misis ko akala ko kakailnganin nya ang Blood Transfusion pero naging sapat na rin iyon.
Mayroon kaming kalugar na na dengue at nasa stage 4 na. She was admitted sa Asian Hospital. Marami sa mga kapitbahay ang nag-donate ng dugo so I decided saka na lang ako. I will make myself available pag talagang kinalangan pa.
I have one neighbor, si JONGJONG mga early twenties pa lang consistent ito. Lagi itong nagdo-donate ng dugo sa mga kakilala. Pero mas humanga ako sa kaniya ng nabalitaan ko na nag-donate din pala siya sa isang hindi niya kakilala noong naroon sila sa Asian Hospital upang tumulong sa kabitbahay naming na dengue.
While he was waiting daw sa labas ng ICU, another victim of dengue ay nagangailangang din ng donor ng dugo. This JONGJONG na kapit-bahay namin walang abog abog na nagdonate din ng dugo sa totally stranger individual.
Simple lang ang pagkakilala ko kay JONGJONG, pangkaraniwang kabataan. Hindi magulo hindi naman tahimik. Siya yaong tipong hindi mo makikilala ang personalidad sa madalian..kailangan rurukin mo ang kaniyang pagkatao. Me dugo pala ni DAGOHOY ITO ! ! ! BAYANI. MABUHAY KA JONGJONG.
By: Ramil Perea ( Batch '83)
Thursday, January 10, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment