Tulad noong bagong sakay pa lamang ako sa LRT, token pa ang gamit noon. Kapag medyo rush hour na at napupuno ng mga commuters ang LRT. Ang gagawin ng mga guard haharangan muna nila lubid ang pasukan upang i-organize ang bilang ng tao doon mismo sa loob ng antayan ng LRT.
Kapag ibinaba na ang lubid animo ay mga kabayo kami sa Sta Ana at San Lazaro na " THERE THEY GO" unahan sa paghulog ng token. Dahil bago nga ako isinusuksuk ko doon sa butas ay ang baryang limang piso. SUS!! BOBO !! INGNORANTE !!TANGA !! ang maririnig mo sa likuran ko. (Automatic yan parang recorded na)
Hindi pa natatapos ang asksyon sa LRT, dahil nga sa siksikan kapag bumaba ka gusot –gusot na damit mo pati mukha mo magugusot na rin, at kung mamalasin pa, yung kaharap mo na mayroong toothpick sa loob ng LRT, pag baba mo malilipat sa bibig mo yung toothpick niya. HEHHEHEHEHE EWE YUCKKY ! ! !.
Sa jeep at bus, ganoon din ang kwento. Masaya, nagmamdali, may malmig at mainit. Minsan grabe ang siksisikan minsan naman pwede kang mahiga sa sobrang luwag. Mayron pang bonus minsan na holdap, snatching, at pandurukot.
Tricycle, pedicab, padyak at trolley ng tren. Nasakyan ko na yan, yun din at iyon pa. Target ko ngayon sakyan SPACE SHUTTLE COLUMBIA para maiba naman.
Tricycle, pedicab, padyak at trolley ng tren. Nasakyan ko na yan, yun din at iyon pa. Target ko ngayon sakyan SPACE SHUTTLE COLUMBIA para maiba naman.
No comments:
Post a Comment