Naku Mare, kapag uminom ng tea iiwanan na lang kung saan yung teabag, eh narra pa man din yung mesa. Parang pugon ang usok pag nag-yosi. Napakalakas maghilik, lahat ng gamit nakakalat kaya laging hinahahanap.
Ito ang lihim na dahilan ng paghihiwalay o hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa. Oo, sa mga kaso ng paghihwalay kadalasang pangkabuuan na ang nagiging dahilan- Unreconcilable differences, mental incapacity , battered o kaya verbal at physical abuse ang bawat isa o mga terminong malalim ang pananalita upang magandang balitaktakan ng legal terms sa harap ng korte.
Pero noong umpisa halos hindi sila kayang paghiwalayin sa bawat oras.. Magkahawak ang bawat kamay sa harap ng madlang tao. Mga maiinit na pagmamahalan na bawat sandali ay ligaya ang dulot sa isat –isa.
Pare, ilan taon na ba kayong kasal? Walo na…..ata…..oo walo nga. Tsk tsk syang naman Mare, lima na pala ang anak ninyo, kawawa naman ang mga bata.
Mag-usap kaya kayong dalawa, Nakukuha naman sa pag-uusap ang lahat.
No comments:
Post a Comment