Ano nga ba ang sukatan ng kasiyahan? Iisa lamng ang maaring pangkalahatang sagot sa tanong na iyan.
Hindi ko na marahil kakailanganin pa mag-aral ng anumang pag-aaral na ukol sa pag-uugali ng bawat indibidual. Mula't sapul napakarami ko nang nakasalamuha na ibat-ibang tao. Mula sa aming tahanan, pito na kaming magkakapatid, ang aking ama at kinalakihang ina-inahan. Ang aking ina, mga kapitbahay namin. Mga kamag-anak at iba pa.
Hanggang sa pag-aaral ko mula elemntarya ibat-ibang ugali mula sa mga guro hanggang sa aking mga ka-eskwela . Idagdag pa mula ng ako ay maghanapbuhay sa napakarami ko ng napasukan ibat-ibang kumpanya. Mga top brass, pulitiko mayaman, mahirap, Muslim, Kristyano, foreigner at iba pa.
Naging pamilyar ako sa mga kilos at gawi nila. May mga kilos ang bago mong kakilala na maihahantulad mo sa mga dati mong nakasalamuha.
Ano nga ba ang puntos ko sa tanong na SUKATAN NG KASIYAHAN. Ang sagot ko WALA. Walang sukatan ang kasiyahan ng isang tao. Maari ang tao ay mayaman pero hindi kailan man na iyon na ang kaniyang kasiyahan.Ang dunong, katanyagan at ganoon din ang relihiyon, hindi rin sapat na maging sukatan kung ikaw ay madasalin o anu pa mang may kaugnayan sa pananalig.
Pero kahit wala kang kasiyahan basta mayroon kang kasapatan sa buhay iyon ang tama. Ang sukatan ng kasiyahan ang nagiging sanhi na ang tao ay hindi makuntento sa buhay. Ikunukumpara niya ang kaniyang buhay sa iba.
Ang lagi mong isasa-isip ang buhay mo ngayon ay higit na masaya kaysa sa dati.
By: Ramil Perea (Batch '83)
Wednesday, December 26, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment