Mag-one year na anak ko sa January, parang kailan lang nagbuntis ang misis ko through-out her pregnancy bed rest siya. Three times of insulin and 2 times for blood clogging injections shots a day binibigay namin sa kaniya at kasama pa ang di mabilang na mga gamot (Nakakaawa nga siya halos mangitim ang braso nya at ang tummy nya sa kaka-injection).
Almost 8 years bago kami nagka-anak, Naalala ko nga nung early 4 years after na makasal kami, aligaga kami kapag me simtomas na siya ay buntis, yung nagsusuka, mabilis ang pintig ng lalamunan mga ganun bagay ika nga. Napakarami naming naubos na pregnancy test but they all turned negative. Mga di mabilang na test na ginawa sa misis ko at sa akin at lahat naman ng test proves na pwede talaga, “TIMING LANG ANG KAILANGAN”
From 4 years and maraming taon pa wala pa rin, Ako sa sarili ko-sinabi ko- pag di ako nagka-anak, okey lang , “SO BE IT”, tanggap ko na yan ang kapalaran namin mag-asawa.Marami nga nagsasabi mag-ampon kami, mag-sayaw sa Obando, Bulacan at mga sari-saring suggestion related sa pagkakaroon ng anak.
My wife is Marian Devotee, minsan nag-simba kami and she told me to be the one to offer the flower to Mama Mary. Sabi niya sa akin bulungan mo ng gusto mong hiling si Mama Mary. So pumila ako at nag-alay ng bulaklak sa kaniya. Ilang months lang nabuntis misis ko.
By: Ramil Perea ( Batch '83)
Wednesday, December 19, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment