
Napakasayang tagpo ang muling pagpunta sa lugar na minsa'y pinaglingkuran
Bagamat nagbabadya ang bulkang Bulusan sa pagitan ng bayan ng Juban at Irosin, maluwalhati kaming nakarating sa Bulan matapos ang kulang-kulang na labing-apat na oras na pag-upo sa bus. Maaaliw ka sa mga abo na dumikit sa mga punong-kahoy habang tumatakbo ang sasakyan.
Malaki na rin ang pinagbago ng Sua HighSchool. Bukod sa mga kongkretong kuwarto ng mag-aaral, akalain mo yun, una pang nagkaroon ng signal ang globe at smart na marahil nagmumula sa Masbate kaysa sa karugtong na daanan sa barangay Butag, Bulan. Pati yung mga mag-aaral ay may mga cellphone na rin na kung minsan talo pa yung unit kong nokia na 8250. Hanggang ngayon magtitiis ka pa ring sumakay sa poso (pumpboat) na di lalagpas sa dalawang oras bago makarating sa barangay na ito. Hindi ka naman mababagot sa malaking bangka sapagkat maaliw ka sa alon gayundin ang iba't ibang uri ng isda at korales na maaninag mo sa kalinisan ng katubigan. Isang pahina na naman ito ng masayang nakalipas ng alalaa. Salamat kina Cecil, Vina at Jona.
E.j.(pakner), Neng, Jonathan at Joy, hinihintay kayo ng Sorsogon.
"Volunteering isn't the easiest you can do but it's the most rewarding."by: Jun Ryan Hernandez (Batch ?)
No comments:
Post a Comment