PLEASE PROMOTE THIS LINK . . . MABUHAY MHSIANS!! PLEASE PROMOTE THIS LINK . . . MABUHAY MHSIANS!! PLEASE CONTRIBUTE ARTICLES AND SEND TO royal_database@yahoo.com

Sunday, July 20, 2008

ANG CR . . .BOW!

Share ko lang sa inyo, nabasa ko ito sa isang Filipino Newpaper (THE MIGRANTS) here in Taiwan. Kadalasan mangyari ito sa mga kababayan nating OFW especially Caretaker and Domestic Helper.

CR o comfort room na laging takbuhan ng caretaker kspag siya ay napapagalitan at mag-iiyak na lamang sa loob ng CR. Syempre sa kagustuhang itago ang damdamin sa amo, wala syang magawa kundi magpunta sa CR at duon ibulalas lahat ng kanyang emosyon. Kapag bitin sa pagkain at gustong mabusog ng di alam ng amo ay magdadala ng pagkain sa CR at duon pa-simpleng tsi-chibog. Sa CR din sya pa-simpleng magte-text o tatawag sa pamilya sa pinas. Sa CR din sya sumusulat sa mga kaibigan at pamilya. Ang CR ang tanging saksi sa kanyang mga dinaranas na problema bilang OFW lalo na kapag nakakarating sa kanya ang mga di magandang balita mula sa pamilya sa Pinas. Sa CR din sya nagpapahinga ng konti kapag pagod na pagod na sya sa trabaho at natatakot masita ng amo. Walang sapat na oras sa pagtulog dahil sa pag-aalaga ng matandang masungit, habang naglilinis at naglalaba pa ... ang pamilya sa Pinas sa oras na iyon ay naghihilik na. Mas malungkot ang mga walang day-off at hindi payagang makipag-usap man lang sa kapwa Pilipino na kapit-bahay o katabing condo. Takbuhan din ang CR dahil wala siyang naging kaibigan sa loob ng mahabang panahon na pamamalagi dito sa Taiwan. Kinakausap na rin niya ang sarili sa loob ng CR at kapag galit sa asawa Pinas, sa CR na rin niya ito minumura!! Hindi rin sya nakakapagsimba at ang ginagawa nya ay sa CR na rin sya nagdarasal. Sa CR lang sya nakakahinga ng maayos kahit pa may amoy dito. Ang sabi nga ..... nakakaranas sya ng "comfort" sa CR .. Hay ... Salamat... buti na lang at may CR .... ang CR ... BOW!!!

Di lang siguro dito sa Taiwan nangyayari ang ganito at di lang mga DH at CT ang nakakaranas na maging takbuhan ang CR, tayo mismo sa sarili nating bahay o family ganito din. Naranasan ko na rin na murahin ang biyenan kong hilaw sa CR di kasi ako makapagmura sa loob ng room namin at anduon ang mga kids ko . Medyo napahaba ang post sana di kayo antukin sa pagbabasa.

No comments: