PLEASE PROMOTE THIS LINK . . . MABUHAY MHSIANS!! PLEASE PROMOTE THIS LINK . . . MABUHAY MHSIANS!! PLEASE CONTRIBUTE ARTICLES AND SEND TO royal_database@yahoo.com

Wednesday, June 18, 2008

BUHAY PINOY: NOON AT NGAYON

Musta mga friendster!
Naalala ko noon sa province namin sa parteng Bisaya, pag piyesta, eleksyon, reunion lahat gustong umuwi dahil yon ang tradisyon. Pero ngayon iba na. Kung hindi kaya saka na lang o ang priority namin ang family. Ang nakakatuwa sa lahat pag pista sa amin lahat naghahanda. Kahit ang pinaka payak na pamilya hindi puwedeng walang handa. Sa handaan hindi mawawala ang pansit. Sabi ni untie, pampahaba raw ng buhay. Yung mayayaman sa amin isang buong baboy at baka ang handa. Kasi ang bisita si Mayor, si Father at ang Hermana Mayor, yung nangangasiwa ng fiesta. Dahil sa handaan lahat masaya. Pag bisita ka para hindi nakakahiya dapat lahat dadaanan mo para kumain. Kaya ang nangyayari bundat at lasing na ang mga tao sa amin. Pero ang nakatuon sa akin ng pansin (bata pako noon), ang kapit bahay namin. Medyo mahirap lang sila, at ang kinabubuhay nila ang pangingisda. May pito silang anak at lahat mas bata sa akin. Dahil nga sa fiesta, naghanda sila inimbita nila ang Kapitan ng barangay. Siyempre mabait ang Kapitan namin doon. Kahit mahirap ka kailangang pupuntahan ka . So habang kumakain yung kapitan pinuri niya yung handa, sabi nya: "Wow ang laking isda at masarap!" Bago ang handaan blues, yung pitong bata masaya, kasi once a year lang sila nakakain ng masasarap na ulam. Sabi nuong isa: "Nay ang sarap nyan! kelan namin kakainin yang malaking isda?" Sabi ni nanay: " Eh anak pagkatapos kumain ni Kapitan saka tayo kakain ng mga handa natin". So ang mga bata naghintay. Doon sila nakapuwesto sa likod ng kurtina. Habang masaya si Kapitan at panay ang kuwento. Yung mga bata sa likod ng kurtina nagkukuwentuhan din at ang kanilang topic ay yaong malaking isda. Sabi nung panganay: " Akin ang ulo kasi masarap yun!". Sabi nung pangalawa: "Akin ang buntot kasi masarap yun!" Yung isa sa mga bata ay nagsabi namn ng: " Akin ang tiyan ang gusto ko yun, kasi walang tinik!"
Eto na ang thrill! Dahil sa nasarapan si Kapitan. Binaliktad na yung malaking isda. At sabing... ang galing mong magluto Mare at kakaiba siya at napakasarap. Pero ang lahat natigilan, dahil may sumigaw doon galing sa likod ng kurtina. At ang sabi: " Nay! gui bali nah!" (sa tagalog, inay! binaliktad na!) Nagtawanan ang lahat sa pakiramdam ng nanay napahiya sya, kaya sa pag alis ni Kapitan at mga bisita napalo ang mga bata. Noon medyo wala sa akin yun, dahil bata pa rin ako, pero ngayon sabi ko sa sarili ko hindi mangyayari ang ganuon sa buhay ng family ko. Kahit mahirap kami. Kung ano ang kakainin ng mga bisita ganun din sa mga anak ko. Saka malimit kami hindi naghahanda sa birthday ko, mga anak ko, at sa asawa ko. Bakit? mas gusto ko pa ang mag- malling kasama sila at doon kami kakain kasama . Pero pag may budyet at dapat maghanda saka lang kami naghahanda. Lately nga 40th birthday ng wife ko at naghanda kami sa hause, so ang lahat busy. Ang mga bisita nagdatingan na, so kainan dito kwentuhan doon. So ang siste, maraming bisita. Sa kasagsagan ng party. Yung lalaki ko nag request na kanila na lang yung cake, so hindi namin hinain sa hapag yung cake.(kasi paborito yon ng asawa ko at mga anak ko) para hindi maubos. Kasi exclusive yon para sa mga anak ko. Natutuwa nga ako sa pamangkin ko, kaya pala nagpapansin sya sa Mrs. ko dahil hindi pa sya nakakain ng cake. Eto pa ang sabi nya: "Opo nga, masarap ang handa nyo pero hindi pa ako nakakain ng cake!" Kasi nga kulang ang cake sa dami ng bisita kaya napagkaisahan namin na hindi na ihain. Kaya nuong natapos ang handaan habang kumakain kami ng cake, tawa kami ng tawa. Kinabukasan binigyan namin ng cake yung pamangkin ko kasi kapitbahay namin sila.
At alam ko hindi lang ako ang nagbago sa mga medyo mali noon. Marami tayo hindi ba?

No comments: