PLEASE PROMOTE THIS LINK . . . MABUHAY MHSIANS!! PLEASE PROMOTE THIS LINK . . . MABUHAY MHSIANS!! PLEASE CONTRIBUTE ARTICLES AND SEND TO royal_database@yahoo.com

Wednesday, December 5, 2007

LAUGHTER . . . THE BEST MEDICINE


Naniniwala ka ba sa kasabihang ito?Na ang pagtawa daw ay ang pinakamurang gamot sa kalungkutan?siguro nga.. totoo ito dahil sa taas ng mga presyo ng mga bilihin ngayon,kailangan nating magtipid kaya kung ano yung makakamura at pareho din naman ang bisa yun nalang,minsan nga kahit may sakit ka,isipin mo nalang na mawawala din yan. sabi nga nila itulog mo na lang at lilipas din yan. mayroon namang iba, nagpapayo,pag masakit ang daw ang ulo "Togmolodon"capsule 500mg 3x a day.Pag walang boyfriend Kispirin Forte at Yakapsule Ointment.Kaya lang pag nagkatuluyan naman kayo mahal din magpakasal,mamimili ka kung sa Simbahan, Huwes o sa Banig na lang saan ka pa,At kung mabuntis,mahal din manganak lalu na kung caesarian. Sa hilot ka na lang. tutal, kapitbahay ko naman si Aling Enang Hilot... may libre pang hula.Mahal din ang gatas,pagkain,damit,upa sa bahay,tubig,kuryente,pamasahe,palaba,pa load,spa,manicure,rebond,pa bottoks,pa lipo teka,teka e sosyal ka naman pala e,bakit senador ba asawa mo,mayor o pulis?Hayy naku pati presyon ng dugo mo di rin mapigil ang pagtaas, at pag natuluyan ka pa..eto pinaka masaket mahal din magpalibing.Bweno. baka kung saan pa mapunta usapan natin.Magbasa ka na lang muna, ng mga tinipon kong jokes na hinango ko kung saan saang sitwasyon at lokasyon,.. sa kwentuhan ng magkaibigan na nakasakay ko sa FX,dun sa magkumareng naglalaba sa poso,dun sa mga sunog baga dyan sa kanto habang tumatagay ng Tanduay,sa mga text messages na isinend sa akin, at dun sa pinambalot ng tinapang inulam ko kaninang umaga,so paano..Just relax,take it easy and enjoy reading at my blogsite.

By: Orly Omaga ( Batch '83)

No comments: