I really don't know how I came up with this... eh una sa lahat wala naman ako problema sa lovelife.... pero wala lang... kahit sabihin kong masaya ako... parang di pa rin ako mapalagay na nakikita at naririnig na sa mundong ito, may mga nasasaktan pa rin... at ang masakit pa nun... ang iba dun ang mga kaibigan ko. I've been hurt so many times na in my life na, minsan pa nga.. mismong kakain ako ng big mac eh te-text ako ng gf ko na pagalit..ayun...sira na nanaman ang araw ko.. Yung mga iba ko namang kaibigan, mas matindi pa ang storya.... pinagpalit daw sila sa iba... kunwari sila ang liligawan, pero yung naglakad pa sa kanila ang siyang nakatuluyan ng lalaki....hanubayun! Whatta sawi moment na maituturing.... pero I made her realize na love is unfair talaga..lalo na pag ikaw ang nadehado. Parang naging survival of the fittest na nga ang nangyayari ngayon sa pag ibig eh... Yung tipong pag maganda ka, gwapo ang makakatuluyan mo, at kapag pangit ka, laking tsamba lang pag may hitsura pa ang napili mo. Eh ako naman di ganun kagwapuhan, di rin cute, minsanlang masabihan na may hitsura, eh di rin pinaligtas ng pag ibig.. haay...puro peklat na talaga tong puso ko.... dahil na rin siguro sa mga sugat noon.Ilang taon din akong nagtiis na walang minahal.....or should I say walang nagmamahal sa akin? That was the worst period of my life. Yung tipong mahal ko lang ang sarili ko dahil no choice eh.. La naman nagmamahal sakin, wala nga nagkakagusto sakin.. San pa ako? BUT as they always say....In every cloud, there's a silver lining. Oo tama, dahil sa mga panahong hirap ako sa labylayp.. natutunan ko na rin ang mag survive sa hirap at sakit nadulot ng pag ibig. Nandyan yung aliwin ang sarili sa barkada, pagbabad sa bilyaran o sa computer, pag aliw sa sarili ng ilang oras sa chat... o kaya'y ubusin ng husto ang laman ng ref mo, at sa mga babae naman, eh mag pa parlor, punta sa bahay ng bespren... lahat na para lang makalimutan ang mapait na nakaraan. So ano nga ba talaga ang mga gamot sa nagdurugong puso?
IT IS NOT WHAT YOU DO THAT MAKES THE DIFFERENCE, BUT HOW YOU THINK. Kahit libutin mo na ang buong Luzon para kalimutan siya, kung hindi pa rin magbabago ang mindset mo about love.. sorry dude. WA EPEK... as inwala.. blanko... void.... null... empty set... zero percent...kapos...mintis... airball.... eh bakit? Material pleasure can't compensate for the pain your heart receives.....and pag ang heart eh nasaktan.. apektado na rin malamang ang utak.. coz they are in mutual status... masaktan ang isa.... masasaktan na rin ang kabila. Try changing your mindset..... kung baga sa computer eh kung panay palpak ang ginagawa ng hardware mo, at nagtataka ka kung bakit nakailang palit kana eh sa karton pa rin ang ending nya, eh baka sa software na mismo ang problema, di ba? Kung basted ka ng babaeng mahal mo..... drinking everynight and bar hopping won't do you good, tska gastos lang yan. Lying in ur bed the whole night and rolling there like a lumpia won't help yah ease the pain. Dapat alam mo na ang gagawin.... PRAY. Kahit gano ka pa ka demonyo eh sa pagdarasal pa rin ang tuloy mo dude. Totoo yun. Find a time alone na one day, kausapin mo Siya na parang kabarkada mo lang cya.. talk to Him as if kausap mo ang pinaka close na tao sa buhay mo... He can touch the hardest hearts! and the vainest minds. He did that to me and i'm sure magagawa din nya sa inyo yun. Sa mga iniwanan ng kanilang bf/gf eh wag na wag kayo manonood ng mga movies na may IWANAN na tema.. its like jumping into a quicksand... lalo nyo lang nilubog ang sarili nyo.. sa mga nagsesenti naman... o sige oks lang yan... kasi ako rin ganun e.. di ba nga ang music is the choir of your heart? kahit ga BALDE na ang luha mo kaiiyak sa tune ng One last Cry ni Brian Mcknight eh oks lang un... kahit in reality hindi. Try straightening your goals, point of views, or beliefs. Ano ba talaga ang gusto mo mangyari sa buhay mo? Sa lablayp mo? Siya ba talaga ang mahal mo? Kung siya talaga at di ka nya mahal, is it necessary ba talaga na dapat maging kayo para sumaya ka? Unconditional ba talaga ang love mo for him? Eh bakit naghahanap ka ng kapalit na pagmamahal? Bakit ka nasasaktan pag nalaman mong di ka pala mahal? Ano ba talaga ang definition mo ng loving someone? Bukal ba sa loob mo na masaya ka for her kahit hindi ikaw ang reason ng kanyang happiness? May umiibig bang hindi nabibigo? Pwede ka bang magmahal na hindi nasasaktan? Anong gusto mo, magmahal na masaktan, o hindi mahalin? You see, asking yourself these questions might straighten those curly love lashes of yours. Don't think of your inferiority, yung tipong kesyo pangit ka, may pimples ka, kulang ka sa height, kulang sa pera.... Kasi if the girl or guy dumped you dahil lang sa kakulangan mo sa pisikal na bagay, eh hindi talaga siya deserving na mahalin.. pramis. Ibang tao lang talaga ang bagay para sa kanila. Ikaw ba yung tipong tao na nakikita ang love in a black and white scale? Well...its now the right moment to realize na ang love have gray spots in it.. na hindi lahat ng tama ay tama at di lahat ng mali ay mali. Being not open to these gray spots would spell disaster sa inyong "Getting over" na stage...ano ba talaga tong gray spots na to? Yung tipong people who tend to fallout of love... hindi sa nagsasawa pero bigla na lang nila nalalaman na hindi na pala nila mahal yung gf/bf nila.. there's nothing really wrong about it (sa isang side).. kasi ganun talaga... di naman din nya sinadya na mahalin ka eh.. eh malamang di rin nya sadya ang mawala ang love nya... tamang isipin natin na love is a feeling... but it is not a decision... the decision part comes only when it concerns MAINTAINING the love... so as long as there's a feeling of love.. may decision kang i-maintain yun.... but yun nga..
WHAT'S THE POINT OF MAINTAINING SOMETHING NA WALA NA TALAGA? Eh kung wala nang love... eh wala na talaga. Kung tumagal man kayo, baka awa na lang ang nararamdaman niya to you. That's why it is important na ma clarify mo ang sarili mo sa mga ganitong gray spots.... Wala kang gelplen or boyplen....... SO WHAT'S THE BIG DEAL? sa unang tingin nakakainggit..kasi nga may ka holding hands sila.. may natatawagan para mag goodnight at i love you at kung anong klaseng panlalambing.... pero kung tutuusin... may kanya kanyang advantage at disadvantage ang pagiging single.
by: Rikk (Batch '84 )







No comments:
Post a Comment