PLEASE PROMOTE THIS LINK . . . MABUHAY MHSIANS!! PLEASE PROMOTE THIS LINK . . . MABUHAY MHSIANS!! PLEASE CONTRIBUTE ARTICLES AND SEND TO royal_database@yahoo.com

Thursday, July 30, 2009

Mahirap talaga ang long distance relationship, pero...

Mahirap talaga ang long distance relationship pero hindi dapat ito ang maging dahilan para panghinaan tayo ng loob sa pagtulak natin sa ibang bansa para maghanap-buhay. Marahil, marami sa ating mga kababayan ang di sang-ayon sa pagalis ng isang kabiyak para mangibang-bayan, pero sa panahon ngayon, survival of our family has overtaken the underlying risks of going abroad. Isa sa mga tamang paraan to survive a long distance relationship is for both partners to be surrounded by good friends and group of trusted people. Yung mga taong alam mo na may takot sa Diyos at mga tunay na kaibigan.

Kalimitan kasi sa mga failure of marriages (oftentimes caused by infidelity) is when one partner is surrounded or always in the company of opportunistic person. Sa case ng mga babae, kunwari, the male friend is there for her to comfort the woman-friend who was left by her husband for abroad, yung pala, he will just take advantage of the woman’s frailty. Yung iba naman, sa halip na bigyan ng spiritual guidance at moral support ang babae, e niyaya pa sa mga aktibidades na kadalasan napupunta sa di magandang ending. Aba! marami na akong narinig na kwento ng mga amiga na yayain ang kaibigang babae na mag ballroom dancing or mag aerobics kunwari (para di malungkot sa pagalis ni mister sa abroad), e ang siste, naibugaw pa ang pobreng misis ng OFW na ma-inlove sa macho at gwapong D.I. or Gym instructor. Walang masama sa paglilibang pero dapat piliin ang appropriate na paglilibang base sa estado mo sa lipunan. Kung ikaw ay babae na may asawang nasa abroad, di maganda sa mata ninuman (lalo na sa asawa mo) na makita ka sa company bg ibang lalake (kahit na ang relationship ninyo is entirely professional), pero sa dami ng kwentong malungkot, kalimitan, d’yan nagsisimula ang lahat.

Sa mga lalaki naman na naiwan sa Pinas at ang babae ang nasa abroad, choose your barkada wisely. Kasi kadalasan, ang mga masamang barkada ang kadalasan na nagbubuyo sa lalaking naiwan sa Pinas sa mga bisyo gaya ng beerhouse, sugal then later on pamba-babae na, ang resulta broken family. Lalo na si Mister, siyempre, proud sa mga barkada niya, “pARE, pensiyonado ako dito ni Misis, buwan-buwan, may remittance, o ano ano ang gusto ninyong pulutan?” Sana lagi nating tandaan na ang pangingibang bayan ng ating kabiyak ay desisyon ng magasawa kaya kinakailangan na maging responsable tayo sa tungkuling na naiwan sa atin. Hindi komo lalaki tayo ay di natin aalagaan ang ating mga anak. Wag i-asa sa YAYA ang pagpapalaki sa mga anak. Bilang ama, punuaan natin ang responsibilidad na naiwan sa inyo ng inyong mga asawang babae. Wag mahiya na magpalit ng diaper, magpadede ng mga sanggol, di naman nakakabawas ng pagka-lalake ang mga gawaing ito kung ating gagawin diba?

Ang pag-aabroad ay di dapat maging hadlang sa pangarap ninyo na guminhawa ang buhay at wag matakot sa mga risks na kakaharapin ninyo dahil sa long distance family relatiomship. Bagamat may mga unrecoverable losses na kaakibat ng Pinoy migration (gaya ng quality time at di nakagisnan paglaki ng mga bata, or lost of physical intimacy) pero mas maigi na siguro ito kaysa sa makita mong magutom at di makapag aral ang mga anak mo dahil sa kawalan ng oportunidad dahil sa sistema sa atin sa Pinas. Maging matatag lang tayo at palaging buksan ang komunikasyon sa isat-isa at ang pinaka-importante, wag makalimot na tumawag sa Panginoon, di lamang sa panahon ng kagipitan ngunit matuto ring magpasalamat sa oras ng kasaganahan.

1 comment:

Unknown said...

As much as I hate to say, hindi lang dun umiikot ang mga pwedeng solusyon or iwas problema para mag work ang mga relasyong may distansya. we can never really say cause we are not in their shoes. kahit na may napagdaanan taung similar or may kakilala taung naging ganun, hindi pa rin natin masasabi.