PLEASE PROMOTE THIS LINK . . . MABUHAY MHSIANS!! PLEASE PROMOTE THIS LINK . . . MABUHAY MHSIANS!! PLEASE CONTRIBUTE ARTICLES AND SEND TO royal_database@yahoo.com

Wednesday, July 23, 2008

BARKADA

Barkada! Tropa! Sila ang kadalasang laging nating kasama lalo na sa kasiyahan..minsan mas madalas na mas maraming oras ang pananatili natin sa barkada kaysa sa ating "Pamilya" na halos di na natin nakikita sila; Dahil sa barkada , nauubos ang ating oras, inuman na halos magdamag, tropa na kahit sa gulo kasama natin at halos ipagpalit na natin sa ating trabaho. Sabi nga nila ang trabaho ay nakakasira sa pagsasama ng barkada. Minsan ang barkada ay may maidudulot na mabuti , siyempre lagi silang andyan pag kailangan mo ng tulong pinansyal man o ibang bagay, pero hanggang saan at hanggang kailan sila mananatiling nasa tabi mo? May barkada na iiwan ka sa ere yung tipong ginawa mo nang lahat sinuportahan mo sila at halos ibinuhos mo na ang oras mo sa kanila. Hindi ba masakit pag nanduon na ang sitwasyon na kailangan mo sila pero ni isa sa kanila di ka matulungan? Masarap ang may barkada dahil sila ang bumubuo ng mga oras mo lalo na sa kasiyahan pero sana bigyan natin ng limitasyon ang pakikisama dahil hindi lahat ng oras kaya nila tayong suportahan at sa bandang huli "Pamilya" mo pa rin ang tutulong sayo hanggang sa kahuli huling hininga ng ating buhay..

No comments: