PLEASE PROMOTE THIS LINK . . . MABUHAY MHSIANS!! PLEASE PROMOTE THIS LINK . . . MABUHAY MHSIANS!! PLEASE CONTRIBUTE ARTICLES AND SEND TO royal_database@yahoo.com

Tuesday, July 8, 2008

BAHAY MHS . . .TULOY PO KAYO!

Disyembre 13, 2006 – Malamlam ang panahon at medyo malamig, magpapasko na kasi. Iniwan ako ng aking mag-iina , nagpunta sa mall at hindi ako isinama, pinagkaisahan ba?. Kaya eto, nakatunganga . . . walang maisip magawa , patingin-tingin sa bintana at naiinip. Tila tinutuya ng mga butiki sa kisame. Tsk! tsk! tsk! sabi ng mga butiki. Tirisin ko kaya ang mga ito o tiradurin ko? Ang yayabang ng mga butiking ito! Porke hindi ko kayo abot, nang-aasar pa kayo! Mamaos sana kayo sa kakapalatak.... Hay! nakakatamad hindi ako sanay ng ganito. Kailangan lumipas ang araw ng may matapos ako. Magluluto ba ako o maglalaba hanggang wala pa si kumander? O manunuod na lang ng TV? O maglilinis na lang ng bahay? BAHAYYYY?????? Oo bahay! Gagawa ako ng bahay!!! Dali-dali akong umupo sa harap ng computer . . . malalim ang iniisip at nagsimula ng kumilos ang aking mga daliri. Umiikot ang aking mata, parang nawawala sa sarili ...mabilis. . . . tak-tak-tak-ka-tak. . . ala Roman Rapido! Kasing bilis ng aking daliri ang takbo ng aking utak. At maya-maya pa ay natapos din ang bahay. Darannnn! Presto! BAHAY MHS !. . . Ayan tapos na ang bahay. Bahay ginawa sa computer? ?? Oo! Bahay gawa sa computer. Bakit??? Blogsite po ito no? Hindi mo ba nakukuha? Nakita mo bang nagpukpok ako o naglagari? Wala akong sinabi hindi ba? O! ayan tapos na ang MHS blogsite. Para sa inyo ito . . . Tuloy po kayong lahat!

Lunes - Maaga akong nagising aba’y ang dami ng nakaabang na bisita mula sa NCR at sa mga karatig na lalawigan ng Luzon, Visayas at Mindanao. Tsk! Tsk! Tsk! tignan mo nga naman, katatayo ko pa lang Bahay MHS dinudumog na kaagad. Nakakatuwa naman . Biruin mo sa hinaba-haba at tinagal-tagal ng panahon ng di natin pagkikita, ala eh, sa Bahay MHS lang pala muli ko kayo masusumpungan? Tuloy kayo mga kaeskwela! Feel at home at magbasa-basa at marami kayong makikita, malalaman at mapupulot na magagandang bagay diyan. Makikita nyo diyan ang matagal nyo ng hinahanap at nais muling makita. Ang saya-saya! Enjoy sila sa bahay na ito. Tama ang kasabihang “may tenga ang lupa, may pakpak ang balita” kaya kinabukasan . . .

Martes - Nagdatingan ang mga kaeskwela nating from the Land of Milk and Honey, ang dami nila! Susmayosep! Spokining dollar na at mukhang madadatung! May nagmula sa Arlington, Irving, Dallas, Plano, Denton, The Woodland, Houston, Mcallen, Lewisville, mga cowboy ata ang mga ito! Aba’y galing Texas. May taga California na buhat sa San Marcos, Tustin, Pinole, Daly City, Whittier, San Francisco, Pleasant Hill, Fremont, Oxnard, Mountain View, Corona, San Jose na nagdatingan din. Humabol pa ang grupo ng mga taga New York na mula sa Bronx, New Hyde Park, ang mga taga Auburn at Seattle Washington. Punung-puno na ang Bahay MHS at di na makapasok ang iba na naghihintay sa labas. Kaya pinakiusapan ko na lang na bukas na bumalik ang ibang grupo.

Miyerkules - Excited na excited ng makapasok ang grupo mula sa Brolingbrook, Chicago, Evanston, Wheaton, Waekegan Illinois at nakabuntot naman sa kanilang likuraan ang tropa mula sa Hackensack, Neptune, Mt. Laurel, Cherry Hill, Toms River,New Jersey City,New Wark , Manasquan, Seawell New Jersey; Nagtutulukan sila , atat na atat ng makita at mapasok ang Bahay MHS. Nakamasid naman sa labas ang mga kaeskwela natin mula sa Meadville, Pennsylvania; Nang matapos na ang unang grupo bahagyang nagkagitgitan at excited na kasing makapasok ang tropa mula sa Norman,Williamsburg Ohio; at pangkat mula sa Leesburg, Herndon, Reston, Vienna, Fairfax, Virginia ;mukhang magkakamag-anak, iisa kasi hilatsa ng mga mukha. Masaya namang nag-uusap ang grupo mula sa Sterlingheight, Royal Oak, Michigan habang hinihintay na sila’y makapasok. Maya-maya pa ay may humintong mga bus sa tapat ng Bahay MHS . . . panibagong grupo mula sa USA. Nakita ko ang mga kaeskwela natin mula sa Omaha, Nebraska ; Ft. Lauderdale, Sunrise, Tarpon Springs, New Port Richey, Boca Raton, Florida; Sa kabilang mga bus ay nasa loob ang MHS classmates natin na galing sa Indiana, Indianapolis; St. Louis, Independence Missouri; Kansas City, Salina, Kansas ; Framingham, West Springfield, Tyngsboro Massachusets, Greenwich, West Haven, Connecticut; Las Vegas,Sparks, Reno, Nevada; Georgia, Atlanta, Milwaukee, Wisconsin, Fayettevile, North Carolina, naka-receive ako ng text na hahabol din ang mga MHSians mula sa West Des Moines, Iowa, Baltimore, Maryland, Washington DC, Sand Springs, Oklahoma, Salt Lake City, Utah, Pineville, Louisiana, Honolulu, Aeia, Pearl City,Hawaii at Saipan.

Huwebes Yawn!Yawn! Inaatok pa ako dahil sa puyat at pagod sa pagbisita ng ating mga kaeskwela from Tate , natanaw koang isang pulutong papunta sa Bahay MHS. Padating na ang mga Kaeskwela natin mula sa Europe. Sinalubong ko ang pangkat mula sa Slaskie, Katowice, Poland, kasunod nila ay mula sa Zurich, Geneva, Switzerland. Maya-maya ay nagdatingan na rin ang mga grupo mula sa Telemark, Skien,Oslo ,Norway, Rekjavik, Iceland, Malta, Atikki, Athens, Greece, Liverpool, South Hampton, Birmingham, UK, Carrigaline Cork, Ireland ,Wien Vienna, Austria, Copenhagen, Denmark, Marburg, Hassen,Germany, Flevoland, Almere, Netherlands. Mosna Sibiu, Romania, Catalonia, Barcelona, Spain .Madali kong nai-tour ang mga bisita at maaga akong makapagpapahinga para sa susunod ng mga darating.

BiyernesNagising ako sa malalakas na busina ng mga sasakyan, andito na pala ang mga bisita. Masaya kong sinalubong ang mga MHSian na mula pa sa Kitchener, North York, Ottawa,Chatam, Barrie , Scarborough Ontario, Vancouver, Coquitlam, Qualicum Beach British Columbia, Airdrie,Calgary Alberta, Montreal ,Quebec, all from Canada. Kasama rin ng grupo ang mga taga Hamilton, Bermuda, New York, Trench Town, Kingston, Jamaica, Cortes San Pedro Sula, Honduras, Sao Paulo, Rio de Janiero, Brazil, Cancun Mexico at Etah, Nordgronland, Greenland. Matapos kong mailibot ang mga bisita sa Bahay MHS, masaya silang nagpaalam sa akin. Ako naman, maagang matutulog at bukas ay siguradong maraming bisita ang nakaschedule.

Sabado - Maaga akong nagising dahil medyo mahaba ang itinulog ko. Natanaw ko ang mga convoy ng sasakyan na papunta kung nasaan ako. Eto na mga MHSian. Dalidali akong naggayak sa sarili upang harapin ang kanilang pagdating. Humahangos ang mga MHSians mula sa The Land Down Under- Queensland Brisbane, New South Wales Sydney, Victoria, Melbourne, Australia, present din ang mga taga Auckland, New Zealand. Istanbul , Ankara Turkey, Sidh Karachi, Pakistan, Taipe,Kao-hsiung Taiwan , Hong Kong, Andhra Pradesh, hyderabad, Mumbai,Pune , Maharashtra, India, Gampana Sri Lanka, Kyonggi –do Seoul South Korea, Tokyo, Yokohama, Nagoya, Japan, Kyyiv Kiev, Ukraine at Macau. Magkakasabay dumating ang mga MHSians mula sa ASEAN, Ho Chi Minh, Vietnam, Depok Jawa Barat Indonesia,Wilayah, Persekutan, Kuala Lumpur Malaysia, Queenstown , Yishun Singapore, Bangkok Thailand. Kinahapunan Dumating naman ang mga kaeskwela mula sa Middle East at Africa buhat sa Tel Aviv, Israel, Wudayah, Dammam Ash Sharqiyah, Makkad Jeddah, Saudi Arabia, Ad Dawhah,Doha Qatar, Al Mahabulah Kuwayt, Al Ahlmadi,Kuwait, Deira, Al Satwa Dubai , Abu Dabi ,UAE, Accra, Ghana, Algiers Algeria at Ivory Coast .

Hayyyy. . . ang hirap mag-estima ng mga bisita nakakapagod! Pero anyway, sulit naman dahil alam ko kahit papaano nabigyan ko sila ng kasiyahan kahit man lang sa papamagitan ng blogsite na ito. Oooops ...! before I forget lets thank the following ISP Providers for bringing them here. In random order:

Global Fund For Women, At&t Internet Services, Destiny Inc, Smart Broadband Incorporated, Eastern Telecoms Phils. Inc., Sahara Network Dammam King Saud Street, Comcast Cable Communications Ip Services, Optimum Online (cablevision Systems), Telenor Business Solutions As, Aol Uk, Xl Capital/nac Re, Evans Hotels, Bluewin Is An Lir And Isp In Switzerland, Globe Telecom, Masterfoods Usa, Sbc Internet Services,Comite Gestor Da Internet No Brasil, Bell Nexxia (prod), Riofil Corporation, Fdcservers.net, Multiprotocol Service Provider, Waterloo Region District School Board, Seednet-hsinchudp-s, Prospeed 25 Olympia Woburn Ma, Covad Communications Co, Pacific Internet (australia) Pty Ltd, Geoinc2, Telenor Business Solutions As, Xo Communications, Aem-evertech Philippines Representative, Videsh Sanchar Nigam Ltd – India, Shaw Communications Inc, Verizon Internet Services Inc, City Of Oxnard, Qcyc10k01_mydsllite, Sympatico Hse, Smart Broadband Incorporated, Upc Broadband Operations B.v, Resurrection Health Care, Al Faisaliah Internet Services & Technology, Eastern Telecoms Philippines Inc, Mllc7300i01_consumer, Ctac7300i03_consumer, Ukrainian Mobile Communication,Multiprotocol Service Provider, Comite Gestor Da Internet No Brasil, Ipg, Optimum Online, Bayan Telecommunication/sky Internet, Cj-cablenet, Everemporium, Saudinet Saudi Telecom Company, Videsh Sanchar Nigam Ltd – India, Dsl-pool, Pccw Limited,Asia Netcom Corporation, America Online Inc, Sahara, Riofil Corporation, Starhub Cable Vision Ltd, Covad Communications Co, Rogers Cable CommunicationsInc, Fdcservers.net, SaharaNetworkDammam,KingSaudStreet,Gntiips01_256_consumer, Bellsouth.net Inc, Waterloo Region District School BoardMgoc10k03_mydslpersonal, T-online (adsl), Sbc Internet Services, Amazon.com Inc, 18-4029750_microimaging Sales And Services Inc, Pacific Internet (australia) Pty Ltd, Bluewin Is An Lir And Isp In Switzerland, Phivolcsdostidjr, Tlkm_d2_bb_speedy_boo, Xl Capital/nac Re, ssg-redback CebuFt Lauderdale City Hall Its, Chunghwa Telecom Data Communication Business Group, Digitel Adsl Ip PoolRoad Runner Holdco Llc, 18-4132106_good Samaritan Cyber Cafe, Infocom Technologies IncTt Adsl-alcatel_gay, Japan Nation-wide Network Of Softbank Bb Corp, Yaskawa Electric America Inc Broadband Birm Ubr08smal, Afrinic, City Of Mcallen, Comite Gestor Da Internet No Brasil, Eastern Telecoms Phils. Inc, Instytut Hodowli I Aklimatyzacji Roslin, Worldxchange Communications, Japan Nation-wide Network Of Softbank Bb Corp, Euronet Digital Communications, Eastern Telecoms Phils. Inc, Upc Telekabel, Chunghwa Telecom Data Communication Business Group, Provideralgerian Academic Research Network, Kaohsiung Pingtung Penghu Regional Network, Le-meridien-emirnetAllstream Corp. Corporation Allstream, Japan Nation-wide Network Of Softbank Bb Corp, 18-4145332_jelyn Hijara Lucmayon. Le-meridien-emirnet, Allstream Corp. Corporation AllstreamBayantel Broadband Ras, Cox Communications, Gnet-dial-up-ip-pool.,Destiny Inc, Network_luzon_dsl_ip_poolAl Faisaliah Internet Services & Technology, Fullrate-dk-customers, Teksavvy Solutions Inc, Uth Puerto Cortes, Tt Adsl-ttnet Alc Dynamic_ulus.

Nakakahingal naman ito ang haba! Ang galing ano? Di nyo ba itatanong kung paano ko nalaman? Siguro alam nyo naman kung saan ang lugar nyo at kung alin dito sa mga nabanggit kong mga providers ang binabayaran nyo. Kung opisina yan dont you worry, libre lang yan. Anyway . . . Pwede na siguro ako magpahinga at akoy pagod na pagod na. Bukas Sunday restday ko. Tok! Tok! Tok! Aba may kumakatok pa? Sino ba tong mga bwiset na mga ito ? Kung kailan naman magpapahinga e..... Pagbukas ko ng pinto aba’y ang mga grupo mula sa Everemporium, Laguna, Bohol, Batangas, Pampanga,Cainta,Makati, Manila, Mandaluyong, Le Metropole ,Paris, France, Robinson Supermarket, Law Firm Of Contacto Nievales, Walnut , Alhambra at El Cerrito California, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, Mississauga Ontario, Tokyo To Minato Ku Takanawa at Ar Riyad, Riyadh,Wudaya, Saudi Arabia! O ayan ha ang lakas ninyo sa akin! Special mention pa kayo. Tuloy kayo mga schoolmates sa Bahay MHS . . . may meryenda ba kayong dala?

Meron!!!!!! Ang malakas nilang tugon. Naalimpungatan ako at nagising. Nagdatingan na pala si kumander at ang aking mga tsikiting at may pasalubong ngang Jolibee para sa akin! Nakatulog pala ako sa harap ng computer. Salamat Lord at hindi lumipas ang aking araw ng walang nangyari. At nakagawa ako ng magandang blogsite para sa kanila! (tsk! tsk! tsk! oo nga, sabi ng mga butiki)



12 comments:

phol enriquez said...

Bro jess, marahil siguro kung di dahil sa butiki wala itong bahay mhs...hehe! akalain mong nalibot na pala nito ang buong daigdig.. nahilo ako sa haba ng byahe.. nice blog bro at kelangan mo pang i-extend 'tong bahay para mas maraming ma-accommodate.

jacqueline dela cruz said...

Hello Jessie

Sobrang haba naman nito, meaning lang na napakadami ng bisita ng MHS house mo.
Thanks nga pala. sa sobrang haba eh print ko nga para makita lahat. Anyways nalalapit na ang chance na makita sila uli.

orly omaga said...

Kudos to you Bro Jess! kumalat na pala sa buong mundo ang mga "batang bayan"sana nga magkaroon ng ganito,anyway 5 months na lang naman at mukhang magkakaroon na ito ng katuparan.

yetzky said...

hay naku! hindi pa nga kasama inexplain ni brother jess ung sakin!!! tampo nako nyan. Well ako na lang. Galing din ako sa malayung silangan ng Republik of Wefe!!Koreksyon Hindi WIFI! Free site yun para sa mahilig mag net. At nadadaanan ko lang yang bermuda! Ayoko pumasok hindi ko trip!. In short dito me nakatira sa malaking Village ng mandaluyong. Sa Welfareville ng Addition hills. Sa mga mga hindi nakakakilala sa akin, ako yung pinaka makulit sa batch natin, Ang ka grupo ko sila bayani, aquino at rubio. Malliit kami paro hindi kami pandak. Sa ngayun ako na lang yata ang hindi lumaki kasi lahat sila naglakihan. Kasi walang star margarine nung araw! Este wala pala kaming pambili, E ngayun meron na, pero sabi ng anak ko hindi na raw uso yun ngayun! Ang uso raw chesse wish!! ba yun! hay naku. Naalala ko tuloy nung time ko ang tv back and white pa lang, E ngayun flat screen na ! whew!!! what the technology!!!! Well sabi nila kailangan daw sumabay sa teknolohiya kung hindi maiiwan ka. Sabi ko depende yan!
Hay naku !!! ano ba tong sinisulat ko este tinatype pala! Sige nextiym dami me kuwento.

yetzky said...

hi mga batch, Bakit nga pala yetzky? Ganito yun, mula pa nung isinilang ako PRIMO NA!!! hangang skull! pati sa work ko PRIMO pa rin! Halos lahat ng makilala ko bakit primo! kasi ang meaning sa kanila pinsan, numiro uno at higit sa lahat mabantot daw at luma! yung bang galing sa baul ni lolo Jose! kaya pinalitan ko ng yetzky! tunog GERMAN! Speaking of GERMAN! nung nabububhay pa si tatay ko, Pinapadalhan sya ng FRAnk money, kasi may pamangkin sya na nakapagasawa ng GERMAN. Nung pinapalit nya na ang pera sa money changer, curius yung teller kaya nag tanong sa tatay ko. "Sir GERMAN ba kayo? sagot ng tatay ko na walang kagatul gatol, " yes i'm a GERMAN"! sabi naman ng teller, ah oo nga hindi ka nagsisinunagling! Ng kinukuwento yun sa amin ng tatay tawa kami ng Tawa kasi Ang name ni erpat ay GERMAN talaga! kaya lahi namin ang GERMAN.
kaya YETZKY ang nick name ko kasi lahi namin ang GERMAN!

yetzky said...

hay naku@! kelan ba tau mag rereunion! inip nako! kasi hindi kona kayu mga kilala. At ang nakarehistro sa utak ko ay yung mga totoy pa tayu! yung bang pa cute!!!!!!!

yetzky said...

si ka orly hindi nagbago pati sil pol !!! yung mga iba na nasa abroad!!! sana mag padala naman kau o ambunana yu naman kami dito!! kahit tobleron lang!!!! Si Brother jess medyo pumogi lang ng kon ti!!!

yetzky said...

Speaking of PRIMO! sino ang nakakaalala kay miss Jaurigue yung geometry teacher natin nung third year, Coral section ako nun at kau nila omaga, pol at jess Damond! para sakin terror sya kasi paborito nya ako!!! in short, paborito nya akong tawagin! Lagi nyang sisnsabi primo! what the answer! please stand up and answer my question.Pag hidi ka nakakasagot remain standing unitl the class is over!!! hay naku! bangungot na sakin yun! Minsan tinulungan ako ni Ronnie Alvarado yung may chrush kay erlinda Diaz! yung maputi nating klasmates, yung klasmate nating mahilig magpakalbo! Sabi nya sakin, Ganto gawin mo primo, pag nagtatanong na si maam, taas ka agad ng kamay para hindi ka tawagin!, So ganun nga ang ginawa ko, nagtatanong pa lang si mam jaurigue nagtaas nako ng kamay, ay maam! at maam! Yes PRIMO WHAT'S THE ANSWER? I'm sorry maam i donot know the ansrwer! Alam u ba kung ano ang ginawa ni maam, Sumigaw, 'bakit ka nagtaas ng kamay hindi mo pala alam ang sagot!!!! tumahimik kami lahat kasi nga terror! Sabi ko e maam lagi nyo akong tinatawag at lagi ko ring sagot I'm sorry maam i donot know the answer! kaya nga ako nagtaas ng kamay para hindi u ma me tawagin!!!! hay nako yung mababait kong klasmate tawa ng tawa!
next tym ulit

yetzky said...

The story of mirror!!!!
dahil nga sa makulit ako nun, lagi na lang me pumupunta sa Guidance, Hindi sa friend ko si mam, marami lang nagrereklamo sa ka kyutan ko, kasi minsan, may nakita akong basag na salamin, medyo uminog ang mundo ko sobra pasa 360 degrees, inilagay ko yung salamin sa dulo ng shoes ko at nambobobso kami nla rubio at bayani, sa mga girls kunyari nakikipag kwentuhan kami kasama ang kulitan pero namboboso kami, Ang problem nahuli kami at tinuro ila bayani at rubio na ako lang daw ang may kasalanan kaya lagi akong napupunta sa guidance!

Jessie B. Landingin said...

bro primo nakakatuwa itong mga pinost mo dito. hindi ko lang alam kung comments ba ito o blogs na mismo? hahahahah! i sent u invitation to write here . pls. acknowledge my invitation so i can grant you the privilege, then you can post directly to the site. gusto ko forte ng writings mo. medyo nakakadagdag ng lasa sa blogsite natin. magaan ang mga detalye mo at masayang basahin. bro isinama kita sa special mention yung taga-Bohol ikaw yun. i was refering to u. salamat sa inyong lahat sa pagsuporta sa site natin. sulat na kayo!!!!!

amalia lomarda diongco said...

Hi, ang dami nang makapunta sa bahay na ginawa mo... kaya lang isang
tanong... anong oras dumating ang mag iina mo? Thanks...

Jessie B. Landingin said...

heheheh! maaga-aga pa naman kasi mainit-init pa yung chickenjoy eh!