PLEASE PROMOTE THIS LINK . . . MABUHAY MHSIANS!! PLEASE PROMOTE THIS LINK . . . MABUHAY MHSIANS!! PLEASE CONTRIBUTE ARTICLES AND SEND TO royal_database@yahoo.com

Friday, November 30, 2007

ANG MALAMIG NA STORY . . .GRRRR . . .

Isang araw may isang ponkan na walang magawa sa buhay...

Nag-isip siya kung ano ang pwede niyang magawa tapos sa kakakisip niya nakatulog siya... tapos nagising..yun!! hehehe!

Dahil paggising niya wala pa din siya magawa... lumabas siya at nglakadlakad.. hanggang makarating siya sa isang lugar na medyo kakulay niya rin..(ponkan)

Nakakita siya dun ng pwede niyang gawin... meron kasi doon makabagong gadgets..hehehe . . . kinalikot niya yun..

Kinalikot niya ng kinalikot...kung anu-ano na yung ginawa niya duon..

Hanggng sa may nakita siyang sulat.. wala naman sana siyang balak basahin pero parang may devil na nanunukso na basahin niya daw yun..

Hanggang sa basa siya ng basa.. naging interesado na siya sa iba pa... nuong una natutuwa siya sa kanyang binabasa hanggang sa gitna ng kanyang katuwaan parang may unti-unting kalungkutan ang kanyang naramdaman... (tama ba?)

Unti-unting bumiblis ang tibok ng kanyang puso na parang ayaw ng tumigil sa pagpump.... (180bpm)

Ang kanyang mga laman ay unti-unting nglalamigan.. kung baga sa tao mula ulo hanggang sa dulo ng daliri sa talampakan... at kung sakaling may tiyan siya, ito'y walang tigil sa pagkulo na wari'y parang natata..tooooot.. alam mo na!

Intense siya.. ang mga sumunod na pangyayari ay talagang di niya inaasahan.. para siyang bangkay sa kalamigan.. nalilito at di alam ang gustong gawin... Gusto niyang sumabog na parang Mayon Volcano... intense siya na parang nagtake ng board exam... tunay ngang di niya inaasahan ang kanyang mga nabasa.... (e teka ano ba yun?? sus!! psuspence pah!! ^_^)

Di niya alam kung ano ang gagawin. Gusto niya may makausap...(yung usap ponkan..) at habang siya ay naguguluhan... napag-isip isip niya, nasabi niya na lang sa kanyang sarili ay..... psssshhhh...chuiaw.. kwik kwik.. duduooom! (sa salitang tao... "ganito pla yung feeling kapag meron kang bagay na hindi handang malaman para kang aning sa kawalan...)

Nuong mga panahon na yaon, gusto niyang maging ibon para lumipad ng lumipad hanggang siya ay mapagod at malimutan ang kabiglaan na kanyang nadarama... gusto niyang maging bola ng kanyon para sumabog na lang at mawala na parang bula...

(Siguro masakit yun nalaman niya no??)

Tapos.....

(Sa susunod na yung iba.. hehe^^)

by: Joy Cribelo (Batch 2003)

No comments: